Failed
Bagsak ako sa dalawang subjects na kinuha ko last year! Hindi kayo naniniwala? Well, ako man ay di rin makapaniwala. 
As in first time eto sa history ng aking decade of mathematics study. Never pang nangyari eto saken mga friends, dahil nga nagsimula ako bilang consistent college scholar sa UP at tinuloy sa pagiging university scholar nung MS, at kahit pa nagkaroon ako ng ilang di kanais-nais na encounters with my sensei sa Japan, ay namaintain ko ang "above average" status.
Pero ngayon, mga kabagang, mukhang sumabit ako -- at ang masakit 2 out of 2 ah. Actually, hindi masakit, more of a shocker to me. Kase, ang basis lang naman ng grades namin ay yung final exam nung december. Sa totoo lang ay nag-aral naman ako sa exam at medyo nadalian pa nga. Kase lahat naman ng lumabas sa exam ay naituro sa klase, ika nga, wala yung mga tinatawag na "Agapito-suprises." So, ang expectation ko, masama na kung maka-B ako doon sa Banach spaces, at A- sa Commutative Algebra.
Pagkatapos, kanina pagtingin ko sa result -- aba'y parehong D- (D minus). As in, friends, talagang super shocked ako. Aba'y bigla kong nakalimutan ang boyfriend ko!!! (hehe, konti lang!) 
Ang masaklap ay meeting ko with my supervisor kanina, at parang sa tono ng pananalita niya ay alam na niya ang grades ko. Kaya naman, bini-ring-up ko na rin ang topic kesa naman sa kanya pa manggaling. Sabi ko, di ako makapaniwala na D- ang grades ko, eh maayos naman ang feeling ko sa final exams.
So, ayun, sabi niya kausapin ko ang mg Prof. Dahil may appointment rin ako about baito dun sa Prof ng Banach Spaces eh pinuntahan ko agad after ng classes. Eh, ine-expect ko talaga na hindi ko papel yung na-checkan niya. I mean, baka na-switch lang kase student numbers lang ang gamit namin. Pero NO!! Bluebook ko talaga yun. So, medyo nakakahiya. Inexplain niya pa saken na hindi raw kase nasagutan yung mga items na matataas ang weight. Eh, akala ko naman kase ay cumulative, so, ia-add lahat, yun pala, ika-cancel lahat nung mababang scores at ito-total lang yung mga complete items na nasagutan mo. Eh, wala akong nasagutang complete. So, ayun, talagang D-.
Nawalan na ako ng loob na usisain pa yung Commutative Algebra kahit pa sabihin nating mas malakas ang inclination ko sa subject na yun. Akala ko rin kase, cumulative ang scoring dun. Sanay kase ako sa system sa UP, yung halimbawa 120 ang highest possible score, pero gagawing over 100 na lang, para may choice ang student kung ano ang sasagutan niyang problems. Eh, sorry, iba pala rito.
Anyway, yun na nga bagsakers na nga ako. At nanganganib ang sponsorship ko after this sem. Mukhang mapipilitan na ata talaga akong maghanap ng trabaho.
Well, at least, parang blessing in disguise na rin kung iisipin. Kesa naman di ba matapos ko nga ang PhD na ito, tapos ayoko namang mag-practice bilang guro sa unibersidad, eh 2 years is a rather long time to waste. Mabuti na mas maaga at mas bata pa ako na makaalis na ng tuluyan sa "sumpa" ng academe.
Bahala na lang ang Diyos sa akin. Sana makahanap ako ng maayos na trabaho kung saan mang bahagi ng mundo. 
Currently listening to: I need you
Currently feeling: worried
Posted by shizukuxp at 05:25 AM in Sa ating wikang bernakular as a favorite post | Stalk back



I would say that this BBC documentary is not only interesting but also illuminating. First of all, I have (had) an Iranian fiance',whom I met in Japan but wants to return and live in Iran. So I guess anything related to this country would catch my attention.
Let's see.. "The children will be able to tolerate the sufferings of their parents, but the parents will never be able to tolerate seeing their children in trouble."

