* eto ang isa sa aking technique para ma-relax. susulat ako ng e-mail sa ex-Prof ko pero dahil ayaw ko ng kahit anong communication sa kanya eh ipo-post ko lang sa blog ko. siguro dahil sa tagal rin ng gina-man ko sa lalakeng yun, an nauwi rin lang sa wala, eh nasanay na rin ako. kumbaga nga, wag naman sana mamis-interpret ng US and UK sekyu, pero tila ba na-achieve ko yung tinatawag na jisatsu ba-ma mode. hehe! so, eto nga..
Dear Sir,
Hissashiburi ne! Nasa ireland na ba ako? Mukhang oo! Minsan di ako makapaniwala na anlayo na rin pala ng narating ko. Aaminin ko naman na anlaki rin ng influence mo sa mga naging desisyon ko. Siguro in short, masasabi nating na-market mo saken ang profession mo, kaya yun na rin ang napili ko. Pero, after some time, na-realize ko na kahit pala pilit lang kitang ginagaya eh sarili ko rin palang destiny yun.
Unang-una yung pagpunta ko sa Japan. Siguro kahit di mo pa aminin eh nagduda ka rin kung ayos lang ba na magpunta ako sa Japan eh gayong doon ka yata madalas rumaket for Postdocs. Well, maski naman siguro kung ako ang nasa situation mo ay ganon rin ang iisipin ko. Pero just the same, pinagpilitan ko ang gusto ko at nakuha ko rin naman. Doon sa 2 trips mo sa Japan na nandun ako, I'm sure hindi naging ganon kadali yun for u. Pero, saken, hindi rin naman madali yun.
Well, anyway, kung ano man ang nag-transpire eh sa huli pala, eh parang pi-nave lang ang way saken. Ang masasabi ko honestly, eh na-built talaga ang character ko dun sa mga nangyari sa atin. Kung paano ako ka-resilient ngayon, ay dahil yun sa quote training unquote na nakuha ko sa yo.
Sa maniwala ka't sa hindi, iwi-wish ko na sana quote married na lang unquote lang ang boyfriend ko, kung sana ganon lang kadali ang situation namin.. Dahil sa ngayon, mukhang maski si Lord ay mapapakamot ng ulo sa problema namin.
anhirap-hirap-hirap-hirap-hirap-hirap-hirap!!! parang ibang level na ang mga kalaban dito, feeling ko maski si George Bush at Mahmoud Ahmadinejad ay naka-hadlang sa kaligayahan ko. parang entire Iran history and Philippine history and even Japanese history ay may direct or indirect consequences sa relationship namin. Parang lahat ng mga Mullah sa Iran ay nagdadasal yata ke Allah na paghiwalayin na lang kame. Hindi ko alam kung baket!
sabi niya nga once eh, "maybe this is just God's punishment to u for loving a married guy!" Well, ang masasabi ko lang, eh Lintek, Lord naman, hindi naman yata fair yun.
well, I really love this guy! Right now, we're at the pits. The ship is sinking. I'm at the edge of the cliff. And with all the problems being presented to us, hindi ko kayang mag-isa lang. Hindi na yata niya kaya eh. Kase nga, ako lang yung may quote training unquote na papantay sa mga alagad ni BiIn Ladden.
kung sana na-inlove rin sha ng sobra before, baka hindi sha ganitong pasuko. ewan ko ngayon kung worth it ba talaga yung training ko, eh hindi ko rin pala kayang mag-isa na i-salvage ang relationship ko.
anyway, wala nang point ang sulat na ito. gusto ko lang ma-relax. sobrang down lang ako dahil sa dami ng pinagdadaanan namin.
sge, ingat na lang!
- mG
P.S. Humor trip lang, Once nga pala naitanong ng bf ko saken, "Do u just want to settle for an Iranian guy because u can't get a British Citizen?" Medyo natawa ako, pero ang sagot ko, "Of course not! Even if I could get any British citizen, I would still opt for the Iranian." 
Currently listening to: Affirmation
Currently reading: Chat transcripts
Currently feeling: indescribable