oi! ganon na naman ba ulit? kung minsan kahit ayoko, di ko maiwasan na maawa sa sarili ko. parang napapaka-laking pagkakamali ang nakaukit sa pagkatao ko. ang masaklap, ni hindi ko alam kung anong dahilan.
masakit talaga, kase kung naalala nyo last week lang ay kinakanta ko yung "Sa iyo" ni Sarah Geronimo, tapos di ba
New Year's resolution ko ay makapagsimula na ng bagong-buhay. akala ko nga ayos nang lahat, kase naramdaman ko talagang
in love ulit ako pero ngayon sa iba nang tao.
lam nyo yun, siguro medyo naging mabilis ang mga pangyayari pero
promise parang inisip ko talaga na
i found something real in him! yun bang after 5 long years of agony with 'you know who', kala ko dire-diretso na. kala ko, sa wakas magiging masaya na ang mga araw ko, sa wakas may saysay na ang buhay ko.
pucha!! tangna!! mali na naman ako. sa totoo lang, halos wala na akong pag-asa sa lecheng pag-ibig na'to. siguro nga it's not really meant to be--parang yung statement ni Galois:
there are those destined to love but never to experience it... i believe that i'm one of them!
parang gusto kong e-mail si 'you know who.' kase naalala ko dati, kahit naman isang ultimatong putragis ang relasyon namin, may mga manaka-naka namang sandali na napapatino niya ako. kase naalala ko, nung nag-apply pa ako rito sa Japan, siya yung nalalapitan ko sa mga
anxieties ko. galing niya nga eh, kase kapag masyado na akong pessimistic sa magiging resulta ay nabubuhayan ako ng loob kapag nag-advise na sha. pero,
not to the point naman na maging over-confident ako.
basta, ok ang chemistry namin sa ganon. kaya lang shempre,
i'm under oath na wag na shang istorbohin. kase, eto na nga, nasa Japan na ako, isang bagay na hiniling ko sa kanya at tinupad naman niya.
kaya lang, parang di naman umusad ang buhay ko rito. sa totoo lang, parang napagtanto ko nga na ayaw ko na palang mag-aral. gusto ko na ng
career shift--isang bagay na baka ikagalit ni 'you know who.' feeling ko, kahit naman di niya ako gusto romantically, mabubwisit lang sha kase parang ginamit ko pa sha. actually, masakit din sa akin yun, kase dati naman gusto ko talaga, pero kase nung mawala sha sa aking support group, parang unti-unti akong nawalan ng gana.
sabi ko nga, sha siguro ang Number 1 fan ko, dahil ako rin yata Number 1 fan niya. Kulit no? pero ngayon, wala na yun eh. Wala na yung
'You and I both' namin--'You and I na lang!'
teka, lumilhis yata tayo ng topic. pinag-uusapan natin yung nakaraan kong heartbreak. oo, yun na nga, tangna, BASTED na naman ako! hindi pa naman ako nagsasabi pero ayon sa advice ng common friends namin, parang ganon na rin daw yun. Ouch!! di ba?
eto yung mga panahon na nami-miss ko talaga si 'you know who.' kase, kahit gaano ako ka-depressed, tiyak yun kapag kinausap ko sha at nagbigay sha ng payo, parang may rainbow na after the storm. kaya lang, gago naman kase ako, nai-inlove ako sa kanya kase kakaiba talaga effect niya sa akin. sana nga, wish ko na di na ako mainlove sa kanya ulit. sa ngayon, wala na kameng communication, at parang sure na rin ako sa sarili ko na wala na.
parang gusto kong i-try na kausapin sha, pero
what good will it do? desho? baka ma-misinterpret lang niya tapos magkagulo na naman. gusto ko nga pag nagkita kame, sana ready na kameng pareho, yun bang kaya na naming tanggapin ang isa't isa. i don't care kung gaano katagal ang abutin, sa bagay na ito magiging patient naman ako, for a change.
siguro, we're both not ready to start all over again. i hope, time will tell. ika nga, ulitin natin yung nakaraang title
'Let us cross the bridge--when he gets here!
well, may
baito pa ako at sa Shinjuku pa iyon. 1 hour din ang biyahe from my school. ok, gtg.
-mG
Currently listening to: Absolutely zero, Jason Mraz
Currently feeling: rejected